Isang araw sa aking pag-iisa sa munting silid
Ah!, sa munting silid na kanlungan ng aking pangarap
Ang diwa ko'y hinahatak ng malamig na paglalayag
Tanong ng aking puso, 'ano nga bang talaga?'
Ang adhikaing ibig kong abutin?
Sa kabila ng aking tagumpay
Sa kabila na aking pag-ibig
Sa kabila ng katotohanang nasan akin na ang lahat
Anong adhika pa ang aking hinahanap?
Wala na marahil, sapagkat nakakasapat
Na ang lahat
Subalit hindi, may kulang pa sa aking sarili,
At ako'y napaiyak ng lubusan...
Sa gayong natatanto ng puso ko,
At natatalos ng diwa ko na lahat ng pagaari ko
Ay di lamang akin.
Bakit kay, kaya kong linlangin ang lahat
Ngunit ang sarili ko.
Oo, ang sarili ko'y di ko kayang lokohin
Sa aking paglalahad?
Ah!, nanaisin ko pang iwaksi ang lahat
Nang malagot na ang aking paghihirap.
- mula sa tulang aking ginawa noong ako'y 12 taong gulang. nahalungkat lamang sa baul.
No comments:
Post a Comment