Isang araw sa aking pag-iisa sa munting silid
Ah!, sa munting silid na kanlungan ng aking pangarap
Ang diwa ko'y hinahatak ng malamig na paglalayag
Tanong ng aking puso, 'ano nga bang talaga?'
Ang adhikaing ibig kong abutin?
Sa kabila ng aking tagumpay
Sa kabila na aking pag-ibig
Sa kabila ng katotohanang nasan akin na ang lahat
Anong adhika pa ang aking hinahanap?
Wala na marahil, sapagkat nakakasapat
Na ang lahat
Subalit hindi, may kulang pa sa aking sarili,
At ako'y napaiyak ng lubusan...
Sa gayong natatanto ng puso ko,
At natatalos ng diwa ko na lahat ng pagaari ko
Ay di lamang akin.
Bakit kay, kaya kong linlangin ang lahat
Ngunit ang sarili ko.
Oo, ang sarili ko'y di ko kayang lokohin
Sa aking paglalahad?
Ah!, nanaisin ko pang iwaksi ang lahat
Nang malagot na ang aking paghihirap.
- mula sa tulang aking ginawa noong ako'y 12 taong gulang. nahalungkat lamang sa baul.
Sunday, 6 November 2011
Tuesday, 1 November 2011
Manunulat
Ang manunulat ay mandirigma,
Magiting at dakila
Moog ng katapangan at pag-asa
Sa mga pahinang kanyang nilikha'y
Nakasaad mga kartilya ng tunay na mandirigma.
Ang manunulat ay pintor
Ng makulay na dibuho
Bahaghari ng pagdurusa
Sa pinsel ay paglalaho
Sa bawat larawang kanyang ginuguhit,
Doon nakagalak mga hinagpis sa dibdib.
Ang manunulat ay nanaliksik
Bawat sulok ng lipuna'y kanyang sinuong
Mulat siya sa katotohanan
At di nabibili ang kanyang paninindigan.
Ang manunulat ay isang magulang
Na kumakalinga sa mga karapatan
Ng mga dukhang ginapi ng mga linsil sa lipunan
Sariling dugo'y iaalay sa digma para sa bayan
Sapagkat siya'y naninindigan sa pagkamit ng kalayaan
Ang manunulat ay isang bayani
Nagtatanghal siya ng pag-asa sa dilim
Liwanag ng kanyang pananalig ay tanglaw sa iba
Isang bantayog na dalisay, matapang, at dakila.
Magiting at dakila
Moog ng katapangan at pag-asa
Sa mga pahinang kanyang nilikha'y
Nakasaad mga kartilya ng tunay na mandirigma.
Ang manunulat ay pintor
Ng makulay na dibuho
Bahaghari ng pagdurusa
Sa pinsel ay paglalaho
Sa bawat larawang kanyang ginuguhit,
Doon nakagalak mga hinagpis sa dibdib.
Ang manunulat ay nanaliksik
Bawat sulok ng lipuna'y kanyang sinuong
Mulat siya sa katotohanan
At di nabibili ang kanyang paninindigan.
Ang manunulat ay isang magulang
Na kumakalinga sa mga karapatan
Ng mga dukhang ginapi ng mga linsil sa lipunan
Sariling dugo'y iaalay sa digma para sa bayan
Sapagkat siya'y naninindigan sa pagkamit ng kalayaan
Ang manunulat ay isang bayani
Nagtatanghal siya ng pag-asa sa dilim
Liwanag ng kanyang pananalig ay tanglaw sa iba
Isang bantayog na dalisay, matapang, at dakila.
Subscribe to:
Posts (Atom)