Bakit ba kailangan mawala ng tao?
Kung kailan malapit na sila sa iyo. Saka naman sila mawawala :(
Alam kong walang permanente sa mundo.
Ngunit, minsan, Nasasagi sa aking isipan.
Bakit?
Bakit, kailangan?
Anong dahilan? Bakit sila dumating sa buhay mo?
Mga tanong sa aking isipan.
Nais lamang malaman ang kasagutan.
Bakit?
Bakit ba sa ganitong paraan maraming nabubuo ang aking kaisipan.
Nakakapagpabagabag sa aking damdamin.
Bawat ngiti at halakhak na dumadampi sa aking mga labi.
Kapalit nito ay matinding kalungkutan :(
Bakit?
Sapagkat, nakalimutan kong isipin na ....
Oo. Nakalimutan kong WALANG PERMANENTE SA MUNDO :(
Mga ngiti at halakhak sa aking mga labi.
Tila natangay ng hangin.
Naigpawan ito ng pag aagam- agam.
Bakit? :((
Momay
Saturday, 31 March 2012
Sunday, 6 November 2011
Mood ng Adhika
Isang araw sa aking pag-iisa sa munting silid
Ah!, sa munting silid na kanlungan ng aking pangarap
Ang diwa ko'y hinahatak ng malamig na paglalayag
Tanong ng aking puso, 'ano nga bang talaga?'
Ang adhikaing ibig kong abutin?
Sa kabila ng aking tagumpay
Sa kabila na aking pag-ibig
Sa kabila ng katotohanang nasan akin na ang lahat
Anong adhika pa ang aking hinahanap?
Wala na marahil, sapagkat nakakasapat
Na ang lahat
Subalit hindi, may kulang pa sa aking sarili,
At ako'y napaiyak ng lubusan...
Sa gayong natatanto ng puso ko,
At natatalos ng diwa ko na lahat ng pagaari ko
Ay di lamang akin.
Bakit kay, kaya kong linlangin ang lahat
Ngunit ang sarili ko.
Oo, ang sarili ko'y di ko kayang lokohin
Sa aking paglalahad?
Ah!, nanaisin ko pang iwaksi ang lahat
Nang malagot na ang aking paghihirap.
- mula sa tulang aking ginawa noong ako'y 12 taong gulang. nahalungkat lamang sa baul.

Tuesday, 1 November 2011
Manunulat
Ang manunulat ay mandirigma,
Magiting at dakila
Moog ng katapangan at pag-asa
Sa mga pahinang kanyang nilikha'y
Nakasaad mga kartilya ng tunay na mandirigma.
Ang manunulat ay pintor
Ng makulay na dibuho
Bahaghari ng pagdurusa
Sa pinsel ay paglalaho
Sa bawat larawang kanyang ginuguhit,
Doon nakagalak mga hinagpis sa dibdib.
Ang manunulat ay nanaliksik
Bawat sulok ng lipuna'y kanyang sinuong
Mulat siya sa katotohanan
At di nabibili ang kanyang paninindigan.
Ang manunulat ay isang magulang
Na kumakalinga sa mga karapatan
Ng mga dukhang ginapi ng mga linsil sa lipunan
Sariling dugo'y iaalay sa digma para sa bayan
Sapagkat siya'y naninindigan sa pagkamit ng kalayaan
Ang manunulat ay isang bayani
Nagtatanghal siya ng pag-asa sa dilim
Liwanag ng kanyang pananalig ay tanglaw sa iba
Isang bantayog na dalisay, matapang, at dakila.

Monday, 31 October 2011
Tumal
Kay Tumal ng araw..
maghapong nakatutok ang aking mga mata sa harap ng laptop..
isang araw nanaman ang lilipas na ganito ang aking ginawa sa maghapon..
nakakalungkot namang isipin,
na sa maghapong ito ay wala man lang naganap sa aking kaayaaya :(
ngunit, ang isang maghapong nakatutok sa laptop ay isa na ding magandang pagkakataon..
sapagkat.. dahil dito ay naisipan kong mag'BLOG' ulit :DD
sa kasamaang palad ay nakalimutan ko ang aking account kay gumawa nlng muli ako ng bago..
kaya't heto na muli ako.. nagsisimulang muli.. bubuo muli ng mga tula..
at dahil sa Lunduyan 2011 isang kumbensyon para sa mga manunulat. ay nagkaroon ako ng mga bagong kaalaman.. at dahil din dito ay mas paghuhusayan ko pa ang aking pagsusulat :)
hindi lamang dito sa aking blog.. kundi pati sa mga artikulong aking gagawin..
muli't muli.. hindi ako mangangako, pero sa abot ng aking makakaya ay gagawinko ito ng taos puso :)
para sa aming mga kamag aral na hindi mulat sa lipunang basura ..XD
[ PEN is MiGHTiER than the SWORD ]
- Sumulong, Sumulat, MAGMULAT! :))

SMNS ( Social Media Networking Site )
SMNS ( Social Media Networking Site ) "Think Before You Click" “ Para kang Facebook , hindi kita pwede i-logout sa Puso ko “ ...
TANAWIN
Mga punong nagsasayawan,
kasabay ng hangin na sumisipol
sa aking taingang
nakakabinging pakinggan..
Simoy ng hangin na
kay sarap amuyin,
Animo'y sariwang prutas na
kay sarap lasapin..
Tubig kung saan masayang
nagtatampisaw ang mga tao..
mga agos na nagsasalubong
patungong dalampasigan..
Aliwalas ng kapaligiran..
huni ng mga nagaawitang ibon,
habang lumilipad sa kabila ng
limitadong pagkumpas ng mga pakpak..
Mga Tanawing kay sarap
damhin at pagmasdan,
Mga Tanawing likhang isip
na lamang sa ngayon.
Mapagmahal ,
Masarap kasama ,
Hindi nagiiwanan .,
Ayan ang katangian ng mga totoong kaibigan ,
kaya ngayon ako'y masaya
dahil ,
Ako'y may ganitong mga kaibigan ,
at dahil dun ,
akin itong iingatan ,
at higit mamahalin .
Hindi ko hahayaan ang silay Mawala .
Dahil Parte na sila ng buhay kong

May kabuluhan at higit may Dahilan <3 <3
Mahal ko kayo..
Subscribe to:
Posts (Atom)